PRESYO NG BIGAS BABABA PA – DTI

BIGAS

POSIBLENG bumaba  ang presyo ng bigas mula PHP30 hanggang PHP32 bawat kilo ngayong taon sa pagpapatupad ng bagong batas sa pagluwag ng rice import restrictions, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Positibo si DTI Secretary Ramon Lopez na puwedeng bumaba pa sa pagpasok ng mas marami pang bigas mula sa ibang bansa sa ilalim ng rice tariffication law.

Sinabi ni Lopez sa isang panayam na ang rice importation sa ilalim ng bagong batas na ang bigas na kasaluku­yang ibinebenta mula sa PHP34 hanggang PHP38 bawat kilo ay puwede nang mabili sa merkado, mababa ng PHP7 hanggang PHP9 kumpara sa mahigit sa PHP50 bawat kilo noong umabot sa pinakamataas ang inflation nang nagdaang taon.

“Once more private traders import rice,” sabi niya, “hopefully, it can be even below PHP30. I’m not just committing, let market forces determine.”

Sa ilalim ng Republic Act 11203, o ang Rice Liberalization Act, pinapayagan ang pribadong sektor na mag-import ng bigas alinsunod sa taripa. Nag-aalis din ito ng regulatory and import licensing functions ng National Food Authority (NFA).

Sinabi ng trade chief na ang presyo ay depende kung ang pribadong sektor ay mangangailangan pang mag-import ng bigas o hindi na.

“That’s the free market mechanism so hindi na government nagsa­sabi bawal ka magpasok. Kaya wala na import permit,” dagdag ni Lopez.

Sa ilalim ng Rice Liberalization Act, kinakailangan lamang ng importers na kumuha ng sanitary at phytosanitary import clear-ance na iisyu ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry para mapanga­lagaan ang agriculture at  consumers sa sakit, peste o pagkahawa.               PNA

Comments are closed.