NANINIWALA ang National Food Authority na kapag dumating ngayong Setyembre ang mga bagong aanihing bigas ay posibleng manatili na sa P40 hanggang P42 kada kilo ang presyo nito sa Metro Manila.
Ayon kay National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez, malaking tulong ang pagdating ng mga bagong aning bigas sa tumataas na presyo nito sa pamilihan.
“Kung may bago tayo ma-infuse sa merkado mas maaga pong masasawata ang pagtaas ng presyo,” ani Estoperez.
Iginiit nito, napakahalaga na may sapat na supply ng bigas ang pamahalaan sa pamilihan at batid ng mga economic manager kung paano ito pagdedesisyunan.
Kaugnay nito, Samantala, isinusulong ng mga economic manager ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tax sa ini-import na bigas para makatulong sa pagpapababa ng presyo ng lokal na bigas.
Napag-alaman sa datos ng gobyerno, tumaas na nang pitong magkakasunod na beses ang consumer price index. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.