MAARING bumaba pa ang presyo ng bigas.
Pahayag ito ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture sa pagsuyod ng mga ito sa Quinta Market sa Maynila.
Nasa P35 kada kilo ang pinakamurang commercial rice habang P27 naman kada kilo ang NFA (National Food Authority) rice.
“Hinihintay natin ‘yong kasagsagan ng epekto ng rice tariffication law para bumaba pa ‘yong bigas,” ani DTI Usec. Ruth Castelo.
Wala rin namang nakitang problema ang mga opisyal sa presyuhan ng baboy at manok.
Ayon naman sa mga nagtitinda ng baboy at manok, posibleng tumaas ang presyo ng mga produkto habang papalapit ang Disyembre.
Comments are closed.