IPINAGMAMALAKI ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan. Ito ay base sa sinagawa ring pag-aaral ng Philippine Statistic Authority (PSA) hinggil sa price updates.
Ang price update ay nagpapakita ng sitwasyon at umiiral na lingguhan at buwanang farmgate, wholesale at retail prices ng palay, bigas at mais.
Nabatid na binabantayan ng Philippine Statistical Authority (PSA) ang halaga ng butil (cereals prices) sa 80 provinces/cities kabilang ang Metro Manila.
At base sa datos na nakuha mula sa Weekly Cereals and Fertilizer Price Monitoring (WCFPM) bumaba ng hanggang 0.61 ang average na halaga ng bigas sa mga pamilihan.
Sinasabing sa loob ng 11 na linggong magkakasunod ay bumaba ang presyo ng bigas sa wholesale at retail.
Inihalimbawa rito ang pagbaba sa wholesale price ng well-milled rice na mula 0.64 ay naging P0.61 porsiyento sa ikalawang linggo ng Disyembre o mula P42.43 kada kilo ay bumaba ito sa P42.19 o average na 0.57 porsiyento.
Ang average retail price ng well milled rice na nasa Php 45.65 nitong nakalipas na linggo ay nakapagtala ng 0.61 pagbaba kumpara sa presyo nitong nakalipas na linggo noong nakaraang taon.
Habang ang average wholesale price ng regular milled rice ay bumaba sa P39.00 kada kilo mula sa dating presyo nito na P39.21 o pagbaba ng 0.54 porsiyento.
Habang ang average retail price ng regular milled rice na dating P42.17 ay bumaba ng 0.64 porsiyento o nasa P41.90 na lamang
Bagama’t mas mataas pa rin ito ng 10.03 porsiyento mula sa presyo ng bigas noong nakaraang taon na P38.08 lamang. VERLIN RUIZ
Comments are closed.