PRESYO NG BIGAS SA AGORA MARKET MINONITOR

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang inspeksyon at monitoring sa mga presyo ng bigas na ibinebenta sa Agora Market.

Kasama niya si MMDA Chairman Don Artes, Department of Trade and Industry(DTI) Usec. Ruth Castello at Department of Agriculture Usec. Domingo Panganiban sa pag-iikot.

Ginawa ang price inspection at monitoring para matiyak na sumusunod ang mga retailer sa mahigpit na pagpapatupad ng Executive Order No. 39, Series of 2023, o ang mandated price ceiling para sa bigas para maiwasan ang manipulasyon ng presyo ng mga mangangalakal at retailer sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

“Kami ay sumusulong at sinusuri ang aming pampublikong merkado upang matiyak na ang mga may-ari ng tindahan ng bigas ay sumusunod sa mga mandatoryong presyo na dapat magkabisa sa Setyembre 5. Ito ay gagawin upang maprotektahan ang mga mamimili. Nais naming maging maagap para sa kapakanan ng lahat na nakukuha nila ang kanilang bigas sa tamang presyo,” ani Mayor Zamora.

Sa pamamagitan ng mandatong ito, ang regular-milled rice ay pinapayagan lamang na ibenta ng hanggang P41.00 kada kilo at ang well-milled rice ay magkakaroon lamang ng ceiling price na P45.00 kada kilo. Ang mga mahuhuli ay maaaring kasuhan sa ilalim ng mga sumusunod na batas: RA No. 7581 o “Price Act,” RA No. 10845 o “Anti-Agricultural Smuggling Act,” C.O. No. 32, Serye ng 2008 o “Isang Ordinansa na Lumilikha ng Lokal na Konseho sa Pagkontrol sa Presyo.”

Ang mga unang mahuhuling lalabag sa City Ordinance No. 32, Series of 2008 ay pagmumultahin ng P2,000, ang 2nd offenders ay pagmumultahin ng P3,000.00 at ang ikatlong offenders ay pagmumultahin ng P5,000.00 at pagbawi ng permit.