PRESYO NG BIGAS SA ZAMBO BALIK-NORMAL NA

Mayor-Isabelle-Climaco-Salazar

TAHASANG sinabi ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco – Salazar na unti-unti nang bumabalik sa normal ang presyo ng bigas kasunod ng pagde­deklara ng state of calamity sa lungsod.

Ayon kay Climaco, nakita sa ginawang pag-iikot ng price monitoring team ng pamahalaang panglungsod ng Zamboanga na may sapat nang supply ng bigas sa mga merkado.

Sinabi pa nito, naglalaro pa rin sa P56 hanggang P72 ang presyo ng kada kilo ng commercial rice sa Zamboanga City at bumaba naman sa P32  kada kilo ang presyo ng NFA rice.

“Tinignan namin ‘yung isang bodega at warehouse nakita namin ang supply ng bigas na available na sa merkado at unti-unti nang bumabalik sa normal ang presyo ng bigas although pumapatak pa rin ito for commercial rice at P66-P72, sinabi din po ng NFA na ang price ng NFA rice na dating P42 from August 11 to 14 ngayon nakita natin na bumababa na sa P32,” diin ni Climaco.

Tinukoy din ng alkalde na nakatulong sa pagbabalik sa normal na presyo ng bigas ang pagdating sa Zamboanga ng mga inangkat na bigas mula India gayundin ang suplay mula sa National Food Authority (NFA.)

“Hindi po kami talaga rice producing city kumukuha tayo ng bigas from other parts of the Philippines, ngayon ga­ling ang bigas from Isa­bela province, at meron din na galing India, part of Duterte’s program, nakarating na ‘yan at 100,000 sacks. Ang daily need ng Zamboanga is at 6,000 at ang NFA will also provide 40,000 to 50,000,” giit ni Climaco.

SUPPLY NG BIGAS DODOBLEHIN

DODOBLEHIN ng National Food Authority (NFA)  ang mga ipadadalang suplay ng bigas sa Zamboanga City.

Kasunod ito ng ulat na umabot na sa P60 hanggang P70 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa nabanggit na lungsod.

Paliwanag ni NFA Spokesperson Rex Estoperez, hindi nawalan ng stocks ng NFA rice sa Zamboanga City.

Subalit, aniya, malaki ang naging epekto sa suplay at presyo ng commercial rice sa nasabing lungsod nang matigil ang pagpasok ng bigas mula Malaysia sa pamamagitan ng back door entrance.

“Ang problema sa smuggling dati nangyayari ‘yun, ‘yung nanggagaling sa Malaysia na bigas e nasanay sila sa ganun biglang nagsara, nawala hindi naglabas ang Malaysia tayo ang nawalan ngayon ng supply, ang NFA nagpunta doon si administrator at pinadoble niya ‘yung allocation doon, ngayong weekend may darating na 180,000 sacks para sa Zamboanga,” ani Esto­perez

Kasabay nito, tiniyak din ni Estoperez na hindi matutulad sa Zamboanga City ang iba pang mga lugar sa bansa.

NAPESTENG IMPORTED NFA RICE NAKA-QUARANTINE 

AT ISINAILALIM SA  FUMIGATION

NAKA-QUARANTINE na at isinasailalim sa fumigation ang mahigit 130,000 sako ng inangkat na bigas na naapektuhan ng peste.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesperson Rex Esto­perez, normal lamang ang pagkakaroon ng peste o bukbok ng bigas lalo’t matagal itong nakatengga sa loob ng barko sa Subic Free Port.

Aniya, isasailalim muna sa laboratory test ang mga nasabing bigas matapos ang pito hanggang labingdalawang araw na fumigation para matukoy kung maaari pa itong ikonsumo.

Gayundin, nilinaw ni Estoperez, kargo pa rin ng supplier ang mga napesteng bigas at maaaring ibalik ito ng ahensiya.

“Kahit sa bahay natin kapag matagal na ang bigas sa ating mga laga­yan lalo na sa lata ng biskwit na mainit ay madali po ‘yan, hindi maiiwasan ‘yan, at nangyari ‘yun hindi pa naman sa atin sa supplier pa ‘yun, naka-quarantine po nga­yon ‘yan at under fumigation,” ani Estoperez

Comments are closed.