PRESYO NG BIGAS TATATAG SA NOBYEMBRE

SA BUWAN ng Nobyembre inaasahang magiging  matatag na ang presyo ng commercial rice bagaman malabo na itong bumaba sa presyong P40 kada kilo.

Ito ang pahayag ni  Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol sa gitna ng pagdinig ukol sa panukalang badyet ng DA para sa susunod na taon.

Ayon dito, tataas na ang suplay ng bigas sa merkado dahil nag-umpisa nang mag-ani ang mga magsasaka ngayong Setyembre.

Maaari  rin umanong nagkukulang ng bigas sa merkado dahil sa mga rice hoarder o nagtatago ng supply.

Si Piñol ay sinabon  ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar kaugnay sa problema sa supply ng bigas at nagtataasang presyo nito.

Ipinaalala ni Villar na tungkulin ng DA na proteksiyonan ang mga magsasaka at ang mga mamimili  na hindi  nangyayari sa ngayon. VICKY CERVALES

Comments are closed.