UMAABOT sa P60 kada kilo ang pinakamahal na bigas sa mga palengke sa Metro Manila.
Ito ay matapos na tumaas ng hanggang limampiso kada kilo ang presyo ng bigas.
Ang presyo ng local commercial rice ay mula P34-P40 sa regular milled rice, special: P48-P60 premium: P42-P49, well-milled: P38-P46.
Sa pahayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay epekto ng mahal na pataba at gasolina.
Sinabi ni SINAG President Rosendo So na hindi lamang sa bansa tumaas ang presyo ng bigas kundi sa Thailand, Pakistan, Vietnam at India.
Nasa $100 per metric tons aniya ang itinaas nito sa world market.
Muling iginiit ng grupo na maaaring hindi pa kayanin ang P20 kada kilo na bigas na pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong eleksiyon.
“In-explain namin kay pangulo na hindi ganoong kabilis it will take time kung ma-normalize ang presyo ng fuel,” dagdag ni So.