PRESYO NG BILIHIN BABANTAYAN UPANG MAIWASAN ANG PRICE MANIPULATION, HOARDING

Cabinet Secretary Karlo Nograles

KUMIKILOS na ang pamahalaan para matiyak na hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang food items, ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sinabi ni Nograles na bagaman inalis na ang price freeze sa mga bilihin, patuloy na magbabantay ang  Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang price manipulation, hoarding, at iba pang pagsasamantala ng mga negosyante.

“The DTI is monitoring the prices of not just food, but all products. Prices were initially ordered frozen at the onset of the pandemic, but even with price controls lifted the government continues to be conscious of the need to keep an eye on the prices of goods in the market,” sabi ni Nograles sa Facebook Live noong Sabado ng gabi.

Magugunitang ipinatupad ang price freeze sa basic goods noong nakaraang Marso kaalinsabay ng implementasyon ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.

Ayon sa DTI, ang presyo ng basic goods ay bumalik na sa suggested retail prices (SRPs) noong nakaraang Mayo.

Bukod sa pagmomonitor sa presyo ng food staples tulad ng bigas, sinabi ni Nograles na pinagbubuti rin ng gobyerno ang food production para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa Kapaskuhan.

“To achieve what we call food price stability, we need to assure food production. To ensure food production, we need to promote helping the agriculture sector — farmers and fisherfolk,” aniya.

Comments are closed.