PRESYO NG BILIHIN SA DAVSUR BINABANTAYAN NG DTI

Bilihin

MASUSING binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Davao del Sur ang mga presyo sa ilang tindahan matapos makatanggap ng ulat na ilang negos­yo at establisimiyento ang umano’y nagsasamantala sa pagdagdag ng presyo sa kanilang mga ibinebentang produkto.

Pahayag ni Marivic Placer, DTI provincial consumer protection chief, binigyan na nila ng babala ang ilang tindahan na napatunayang nagtaas ng presyo ng bigas.

Napag-alamang posibleng makanselahan ang mga ito ng business permit kapag natukoy na hindi suportado ng alinmang DTI order ang kanilang dagdag presyo sa bilihin.

Kasunod nito, nanawagan ang DTI sa mga konsyumer na bisitahin ang kanilang website upang makita ang aprubadong retail prices ng ahensya sa prime commodities.

Base sa datos ng awtoridad, nasa 15 malls at department stores sa Digos City at ilan pang lugar sa lalawigan ang ipinasara matapos ang magnitude-6.3 na lindol na yumanig nitong nakalipas na linggo.     BENEDICT ABAYGAR, JR.

One thought on “PRESYO NG BILIHIN SA DAVSUR BINABANTAYAN NG DTI”

  1. 106312 725261I discovered your blog post web internet site on the search engines and appearance several of your early posts. Always sustain the top notch operate. I additional the Feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more on your part down the line! 435335

Comments are closed.