PRESYO NG BILIHIN SISIPA PA

BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo

ASAHAN na tataas pa ang presyo ng mga bilihin bago matapos ang buwan ng Setyembre, batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inihayag ito ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo sa Saturday news forum sa Quezon City matapos na ilahad ng mga economic manager ng administrasyon na makaaapekto sa ekonomiya ang pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa.

Sa pagtataya ng Department of Agriculture ay nasa mahigit P14 bilyon ang naging pinsala ni ‘Ompong’ sa sektor ng agrikultura.

Ayon pa sa BSP official, hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumipa ang inflation.

Noong 1980s ay nangyari na ito at  umabot sa 40 porsiyento ang inflation rate sa bansa.

Tiniyak pa ni Guinigundo na hindi nagpapabaya ang gobyerno at may mga ginagawa upang mapagaan ang epekto ng inflation sa mamamayan.

Umaasa  itong  makatutulong ang  nilikha nilang composite monitoring team na tututok sa presyo ng bigas at ang pinasimpleng alituntunin sa importasyon nito.

Nitong  katapusan ng Agosto ay pumalo sa 6.4 porsiyento ang inflation rate, subalit naniniwala si Guinigundo na bababa at mananatili sa lebel ng 2 hanggang 4 porsiyento ang inflation rate ng bansa pagsapit ng 2019 hanggang 2020.         NENETH VILLAFANIA

Comments are closed.