SUMIPA pa ang presyo ng bilihin, apat na araw bago sumapit ang Pasko.
Sa monitoring, kabilang sa mga patuloy na tumaas ang presyo ay ang hamon, lechon at iba pang mga bilihin sa mga pangunahing pamilihan.
Pumalo na sa P1,400 ang presyo ng kada kilo ng bone-in-ham, habang nasa P1,300 naman ang presyo ng kada kilo ng sliced ham.
Tumaas naman sa P6,000 ang presyo ng kada 10 kilo ng lechon mula sa dating P5,000.
Samantala, nasa P500 hanggang P600 na ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo sa mga pamilihan.
Ayon sa mga vendor, ang pagsipa ng presyo ng sili ay dahil sa kakulangan ng supply sanhi ng mga nag-daang bagyo. DWIZ 882
Comments are closed.