PRESYO NG BILIHIN TUTUKAN

NGAYONG papasok na tayo sa ikalawang ‘ber month’, may mga negosyante ng nagpaparamdam na nais magtaas ng presyo.

Halimbawa ay ang mga samahan ng manufacturer ng sardinas, gayundin ang mga magtitinapay ay hihirit na mga dagdag-presyo.

Napaulat din ang posibleng pagtaas sa presyo ng karne ng baboy dahil bukod sa ramdam pa rin ang epekto ng African Swine Fever, asahan ang mataas na demand nito ngayong Holiday Season.

Hindi lang naman kasi Pasko at Bagong Taon ang pinaghandaan tuwing sasapit ang ‘ber months’.

Nariyan ang mga pagpapakasal, binyag at piyesta.

Habang kabi-kabila rin ang party na kailangan ay may handa.

Bukod sa mga sardinas, pork meat at tinapay, may banta rin ng price hike sa isda dahil pagsapit ng Oktubre ay magkakaroon ng closed fishing season na ibig sabihin bawal muna ang pangingis­da.

Babalik ang muling pangingisda sa Pebrero sa susunod na taon.

Sa usapin ng presyo, dapat maging masigasig ang pamahalaan na rendahan ang mga negos­yante na huwag basta magtaas ng presyo sa kanilang produkto.

Maliban lamang kung may mga approval ang pamahalaan sa price adjustments.