BUKAS ay 2019 na at ilang araw bago mag-Bagong Taon ay nagsimula nang magsitaasan ang presyo ng mga prutas na bilog.
Narito ang presyo ng mga prutas na bilog:
Pakwan, P300 bawat piraso; orange P25 ang piraso; kiat-kiat, P70 bawat pakete; ubas, P200 bawat kilo; dalanghita, P40 bawat kilo; suha, P50 bawat piraso; melon, P30 bawat piraso; mansanas, P25 bawat piraso; green apple, P30 bawat piraso; peras, P25 bawat piraso; pinya, P35 bawat piraso; papaya, P50 bawat kilo; chesa, P140 bawat kilo; chico, P120 bawat kilo; mangga, P150 bawat kilo; castañas, P90 one Fourth; guyabano, P100 bawat kilo.
Ayon sa mga tindero at tinder, dahil bisperas ng Bagong Taon ay posible pang magtaas nang hanggang sa P5 ang presyo ng mga bilog na prutas.
Nakaugalian na kasi ng maraming Pinoy ang pagbili at paghahain ng mga bilog na prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil pinaniniwalaang suwerte ang mga ito.
Comments are closed.