BUMABA ang wholesale at retail price index ng construction materials sa National Capital Region (NCR) noong Abril.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang wholesale price index ng construction materials ay nasa 7.4 percent, mas mababa kumpara sa 7.7 percent noong Marso.
Ang mas mababang annual growth ng reinforcing at structural steel sa 6.5 percent ang main contributor sa pagbaba.
Naitala rin ang mas mabagal na pagtaas sa sand at gravel, concrete products at cement, hardware, plywood, doors, electrical works, plumbing fixtures at accessories at PVC pipes.
Samantala, ang construction materials retail price index ay bumagal din sa 2.6 percent mula 4.1 percent noong Marso 2023.
Ayon sa PSA, sa hanay ng commodity groups, ang miscellaneous construction materials ang pangunahing nakaimpluwensiya sa mas mababang annual growth rate sa naturang buwan, na may pagtaas na 0.2 percent noong Abril mula 6.2 percent noong Marso.
Nag-ambag din ang plumbing materials na lumago ng 0.7 percent mula 2.2 percent noong Marso sa pagbaba.
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort na ang mas mababang presyo ng construction materials sa nasabing buwan ay maaaring bunga ng downward correction sa global commodity prices ng industrial metals tulad ng copper, nickel, iron, at steel.
Aniya, ang mas mababang peso exchange rate na kasalukuyang nasa 56.00 levels, ay nakatulong sa pagbaba ng import costs, kabilang ang sa imported construction materials at raw materials nito.
“For the coming months, continued increase in infrastructure spending, increased capital spending, expansion plans by property companies and other industries as the economy reopens further towards greater normalcy would still support the demand for construction materials, especially if inflation and interest rates locally and globally continue to ease further in the coming months,” ani Ricafort. (PNA)