PRESYO NG BULAKLAK INAASAHANG TATAAS

Bulaklak

INAASAHANG  tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila habang papalapit ang Undas.

Posibleng tumaas ang presyo ng bulaklak dahil sa madalang na supply na galing sa ibang bansa.

Sa ngayon, ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa tulad ng Malaysian mums ay nasa P150 kada bundle, Carnation P220 sa kada sampung stem, Casablanca na nasa P150 sa kada stem, Stargazer ay P150 kada stem, Sunflower, P120 sa kada stem, red roses na nasa P250 kada dosena, white roses na nasa P250 kada dosena, Ecuadorian roses, P150 sa kada stem, at tulips P90 sa kada stem.

Pagdating naman sa kandila, naglalaro sa P90 hanggang P150 ang apat na piraso sa kada pack. Nasa P185 naman ang 20 piraso ng small-size candle.

Naglalaro naman sa P185 hanggang P365 ang kandilang nasa baso.