BAHAGYANG tumaas ang presyo ng mga bulaklak na ibinebenta sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Manila kahapon, pero ito ay inaasahang tataas lalo na sa papalapit na Araw ng mga Puso.
“Ngayon po medyo mataas na pero mas tataas pa… sa February 12, 13, ganu’n,” sabi ng flower vendor na si Jessa Galvez, ayon sa report.
Dagdag pa nito na ang mga bulaklak na rosas ang pinakamabili tuwing Valentine season.
Ang mga bulaklak na mabibili sa Dangwa ay ang mga sumusunod: stargazer, P150 bawat isa; sunflower, P150 bawat isa; carnation: P200, China roses: P1,800 bawat tali; paper roses: P850 isang bundle; misty: P800 isang bundle; gypzo: P1,800 bawat bundle gerbera: P200 bawat bundle.
Samantala, isang tatlong pirasong sunflower arrangement ay nagkakahalaga ng P450, habang ang anim na pirasong arrangement ay nagkakahalaga ng P600.
Ang isang dosenang rosas na nagkakahalaga ng P700 per arrangement, habang ang 10-piece carnation arrangement na nagkakahalaga ng P500.
May handog din silang mga lobo at stuffed toys.
Magaan pa ang trapiko sa Laong-Laan Street na malapit sa Dangwa Flower Market kahapon.
Comments are closed.