PRESYO NG BULAKLAK SUMIRIT

SUMIPA ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, dalawang araw bago ang Mother’s Day sa Linggo, Mayo 13.

Sa monitoring ng DWIZ, mabibili na ang isang bouquet ng nakaayos na mga bulaklak sa halagang P500 mula sa dating presyo nito na P350 hanggang P400.

Ayon sa mga nagtitinda, maaari pang umabot sa P700 hanggang P800 ang presyo ng isang ‘bouquet’ ngayong araw ng Sabado kung kailan inaasahang mas marami ang mamimili.

Anila, posible namang sa Linggo ng tanghali hanggang hapon ay bumaba na ang presyo ng mga bulaklak.   DWIZ 882

 

Comments are closed.