PRESYO NG CHRISTMAS HAM SUMIPA

HAM-3

TUMAAS ang presyo ng lahat ng brands ng Christmas ham, base sa suggested retail price list na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.

Magkakaiba ang pagtaas ng presyo depende sa brand, type at timbang ng produkto.

“Sa palagay naman namin, ano ‘yon, reasonable. Kasi talagang as in sagad na sagad. Nu’ng nakipag-usap tayo sa manufacturers, may mga reason naman sila na talagang justifiable doon sa increase,” pahayag ni DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan sa isang panayam.

“Kunyari ‘yung sa foreign exchange, transportation cost, ‘yung cost ng mga tin, ‘yung sa lata,” dagdag pa niya.

Manufacturers also cited the African swine fever scare as a reason for the price increase.

“Nagsabi rin talaga sila na mayroon siya ta­laga ring effect. Although ang sabi namin sa DTI, dahil alam namin na ‘yung kanilang karne ay dumating na noong March of this year na hindi pa tayo tinamaan ng ASF, dapat ‘yung presyo nila ay hindi dahil sa ASF scare. Kasi wala pa naman,” paliwanag ni Cabochan.

Siniguro rin ng DTI na may sapat na supply ng ham sa merkado kahit nagbawas ang manufacturers sa kanilang produksiyon.

“Medyo binabaan na nila nang kaunti ‘yung kanilang produksiyon kasi nakikita rin naman nila na may demand din na medyo bumaba. Pero as to supply, mayroon pa silang puwedeng talagang ibenta,” paniguro ni Cabochan.

Samantala, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mahigit P100 kada kilo ang itinaas ng ilang mamahaling brand.

Comments are closed.