PRESYO NG GASOLINA, DIESEL, KEROSENE SIR-IT ULIT NGAYONG ARAW

PETROLYO_4

MATAPOS ang karampot na rollback noong nagdaang Linggo, mu­ling sasalubungin ang mga motorista ng pagsirit sa presyo ng petrolyo simula ngayong araw ng Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), at SEAOIL Philippines Inc. na sila ay magtataas ng presyo ng gasolina ng P0.25, diesel ng P0.20 at kerosene ng P0.10.

Magpapatupad naman ang Eastern Petroleum Corp., Petro Gazz, PTT Petroleum Philippines Inc., TOTAL (Philippines) Inc., at Unioil Petroleum Philippines Inc. ng kaparehong pagbabago, maliban sa kerosene.

Ang pagbabago ng presyo ay magiging epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga, araw ng Martes, April 9, maliban sa Caltex na magpapatupad ng kanilang pagbabago ng presyo ngayon din. Ang ibang kompanya ay mag-aanunsiyo pa ng kanilang adjustment.

Ayon sa huling datos ng Department of Energy(DOE), ang pres­yo ng gasolina sa bansa ay kasaluku­yang nasa P48.50 hanggang  P62.44 kada litro, diesel mula sa P40.10 hanggang P48.75 kada litro, at kerosene mula sa P45.20 hanggang P55.00 kada litro.

Comments are closed.