PRESYO NG GASOLINA SISIRIT; DIESEL AT KEROSENE MAY TAPYAS

PETROLYO-22

NAG-ANUNSIYO kahapon ang ilang oil firm ng paggalaw ng presyo ng kanilang mga produkto na ipatutupad simula ngayong araw ng Martes, Pebrero 18.

Sinabi ng Total, Caltex, at Phoenix Petroleum na tataasan nila ang presyo ng gasolina ng P0.35 kada litro at babawasan naman ang presyo ng diesel ng P0.10 kada litro.

Magpapatupad din ang Caltex ng P0.10 bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Magkakaroon din ng parehong paggalaw sa presyo ng petrolyo ang Cleanfuel sa kanilang diesel at gasolina pero sa hatinggabi ng Miyerkoles, Pebrero 19 pa ito magiging epektibo.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Seaoil, Petro Gazz at Shell ng bawas sa presyo ng kerosene at diesel, at dagdag sa presyo ng gasolina.

Comments are closed.