NAGMURA na ang presyo ng mga gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa monitoring ng PILIPINO Mirror, ang presyo ng kada kilo ng repolyo ay nasa P120 mula P160; ampalaya, P100 mula P160 hanggang P180; P70 hanggang P80 mula P140 hanggang P180; pipino, P60 mula P160; lechugas, P100 mula P200 hanggang P250; sibuyas, P100 mula P160; okra, P80 mula P160 at siling pula, P400 hanggang P500 mula P800 hanggang P1,200.
Napag-alaman na maraming gulay na dumating mula sa iba’t ibang probinsya na marami nang pananim kaya bumaba ang presyo ngayon.
Sa kabila ng pagbaba ay hindi pa rin umano talagang mura ang presyo ng mga gulay tulad ng repolyo na P40 lang noon.
May mga gulay ring patuloy sa pagtaas ang presyo dahil kakaunti ang ani, tulad ng carrots na nasa P120 hanggang P140 mula P80 at kalabasa na P90 mula P30.
Comments are closed.