PRESYO NG GULAY SA BENGUET, MAS NAGMAHAL PA, MGA MAGSASAKA NALUGI SA HABAGAT

MAGSASAKA SA BENGUET

SINUSUBUKAN ng mga magsasaka sa Benguet na makabawi sa pinsalang iniwan ng habagat.

Pero dahil kapos sa suplay, mataas na ang pres­yo ng gulay nila.

Sinisikap ngayon ng mga magsasaka na makabawi sa P73.7 milyong halaga ng pagkasira sa agrikultura sa probinsiya.

Umaasa ang mga magsasaka na magtutuloy-tuloy na ang maayos na lagay ng panahon para makabawi sa kanilang pagkalugi.

Oras daw na makakuha sila ng pondo mula sa state of calamity fund, ipa­prayoridad nila ang pagbili sa mga pamprotekta ng gulay tulad ng plastic tunnel.

Sa mga tanim, pinakamatinding nasalanta ang taniman ng lettuce.

“Kung malakas ‘yung ulan, masisira itong dahon. Hindi gaya ng repolyo na makapal ‘yung dahon. Manipis kasi ito, parang petchay rin,” pahayag ng isang magsasaka.

Narito ang presyo ng mga lettuce sa La Trinidad:

Romaine → P450/kilo mula sa dating P100-P120; Iceberg → P230/kilo mula sa dating P100-P120; Green ice; P300-P350 mula sa dating P35-P60.

Bukod sa letsugas, bahagyang tumaas din ang presyo ng iba pang gulay sa La Trinidad trading post pero mas mura pa rin ito kaysa sa presyo sa palengke.

Sa Baguio public market pa lang, halos doble ang presyo ng gulay.

Ngunit sa Laoag City, mura ang presyo ng ilang gulay dahil lahat kasi ng mga ito ay locally-produced.

Nagpaliwanag ang Department of Agriculture (DA) na wala silang kontrol sa presyuhan ng gulay at sa kanilang monitoring, katanggap-tanggap pa rin naman ang presyo ng mga ito.

Comments are closed.