PRESYO NG GULAY TUMAAS DAHIL KAY ‘FALCON’

TUMAAS ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Baguio City bunsod ng ilang araw na pag-ulan dulot ng bagyong Falcon.

Batay sa report, aabot sa halos P100 ang itinaas sa presyo ng cauliflower na mula sa dating P150 ay nasa P250 na ang kada kilo.

Dumoble naman ang presyo ng kada kilo ng chicharo na mula sa P200 ay naging P400, habang ang bell pepper na dating nasa P280 ay P320 na ang kada kilo ngayon.

Tumaas naman ng P30 hanggang P50 ang kada kilo ng carrots na mula P50 hanggang P70 ay mabibili na ito ngayon sa P100 kada kilo.

Hindi naman gumalaw ang presyo ng repolyo na nasa P50 ang kada kilo habang bumaba pa ang presyo ng lettuce na mula sa P280 ay nasa P120 na ngayon ang kada kilo. DWIZ 882