PRESYO NG GULAY TUMAAS PA

PATULOY sa pagtaas ang presyo ng ilang gulay sa mga palengke sa Metro Manila, partikular sa Marikina Public Market, dalawang araw bago ang Pasko.

Batay sa monitoring ng PILIPINO Mirror, nasa P190 ang presyo ng kada kilo ng kamatis habang ang luya ay nasa P200 ang kada kilo.

Tumaas naman sa P160 ang presyo ng kada kilo ng bawang habang ang sibuyas ay mabibili sa P120 kada kilo.

Ang carrots ay P120 ang kada kilo; ang patatas ay P110 ang kada kilo; talong, P 100/kilo; repolyo, P95/kilo; at pechay Baguio, P80/ kilo.

Ang pinakamurang gulay na mabibili ay ang sayote na nasa P60 ang kada kilo.
PAULA ANTOLIN