PRESYO NG GULAY WALANG PAGTAAS

GULAY

HINDI  tataas ang presyo ng gulay  sa gitna ng nagaganap na frost  sa mga gulay sa i­lang bahagi ng Luzon.

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng mga mamimili  na  may pagtaas sa presyo ng mga gulay.

Ayon sa kagawaran, kahit pa nasisira ang mga gulay ay hindi naman ito lubos na nakaapekto sa pangkalahatang supply.

Nagbabala ang DA sa mga middleman na huwag samantalahin ang  lamig  sa Baguio upang itaas ang presyo ng   gulay.

Nagkakaroon ng frost  kapag nababalot ng namumuong yelo dahil sa sobrang lamig ang mga  pananim.

Nabatid na hindi naman nababahala ang mga magsasaka sa ganitong  uri  ng sitwasyon dahil nakapag-adjust na rin ang mga ito sa ganitong panahon.

Umabot sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kamakailan  at mas malamig pa  rito sa mga matataas na lugar gaya ng Benguet na siyang pinagmumulan ng maraming supply ng gulay sa Metro Manila kabilang dito ang carrots, sayote, litsugas, repolyo, broccoli at marami pang iba.             NENET V

Comments are closed.