PRESYO NG HAMON NAGSIMULA NANG TUMAAS

HAMON

ILANG araw bago ang Pasko, nagsimula ng magtaas ang presyo ng ham sa merkado.

Ayon sa ilang tindera, nasa P20-P40 ang itinaas ng hamon sa merkado dahil nagmahal din ang presyo sa mga sangkap nito.

Maliban dito, nagtaas din ang presyo ng commercial ham ng 5 hanggang 8 porsiyento sa mga super-market.

Nagpaalala naman si Trade Secretary Ramon Lopez, na dapat ay maging wais ang mga mamimili sa pag-pili ng mga bibilhin para sa Pasko.

Aniya, kinakailangang matuto ang mga konsyumer na piliin ang mas murang brands.

Kapag nararamdaman aniya ng supplier na walang bumibili sa kanilang produkto ay binababaan nila ang presyo ng kanilang produkto.

Inaasahang mas tataas pa ito habang papalapit ang Pasko.

Comments are closed.