PRESYO NG HOTDOGS, TATAAS

INAASAHANG tataas ang presyo ng hotdogs at iba pang processed meat dahil sa ipapataw na karagdagang buwis.

Ayon sa grupong Meat Importers and Traders Association (MITA), ito ay bunsod ng mataas na ipinapataw na dagdag na buwis sa mga imported na agricultural products.

Dulot nito, inaasahan na maaapektuhan ang kita ng mga ne­gosyante sakaling tumaas ang presyo ng mga nasabing produkto.

Posible ring maging kasing tumal o humina ang bentahan ng mga frozen meat dahil sa nasabing hakbang. BENEDICT  ABAYGAR, JR.

Comments are closed.