TUMAAS ang presyo ng ilang de latang sardinas at karne simula kahapon.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo, singkuwenta sentimos (P0.50) hanggang piso at singkuwenta sentimos (P1.50) ang itinaas ng ilang brand ng sardinas at meat products tulad ng corned beef at meat loaf.
Paliwanag ni Castelo, inaprubahan nila ang hirit na “price increase” ng ilang manufacturer ng de lata matapos ang masusing pag-aaral nila rito.
Tiniyak naman ng DTI na nananatiling pasok sa suggested retail price o SRP ang presyo ng mga de lata.
Kasunod nito tuloy-tuloy anila ang pagsasagawa ng price monitoring ng DTI sa mga basic goods at prime commodities.
Comments are closed.