UMAABOT sa P10.00 hanggang P15.00 kada kilo ang itinaas ng presyo ng mga pangunahing gulay sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa La Trinidad, Benguet dahil pa rin sa habagat.
Ipinabatid ni Agot Balanoy, tagapagsalita ng Liga ng mga Asosasyon sa La Trinidad Vegetable Trading Post na kulang ang mga nai-deliver na gulay roon dahil kaunti lamang ang mga nag-aning magsasaka.
Sinabi ni Balanoy na naglalaro sa P50 hanggang P80 kada kilo ang presyo ng carrots, P40 hanggang P49 naman sa wombok, P55 hanggang P60 sa repolyo scorpio, P6 hanggang P52 sa repolyo rb at P25 hanggang P30 ang halaga ng kada kilo ng patatas.
Limitado lamang aniya ang volume ng gulay na kinukuha ng mga buyer at trader dahil sa matumal na bentahan sa lowlands partikular sa Metro Manila dahil sa nararanasang pagbaha.
Ayon pa kay Balanoy, naapektuhan din ang delivery ng mga gulay dahil sa pagguhong naranasan sa bahagi ng Halsema Highway.
Comments are closed.