SUMIPA ang presyo ng isda, gulay, at manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila matapos ang magkakasunod na bagyo.
Batay sa report, nasa P10 hanggang P20 kada kilo ang itinaas ng presyo ng isda, kabilang na rito ang bangus na P150 kada kilo na ang presyo ngayon mula P140.
Tumaas naman ang presyo ng galunggong sa P200 kada kilo mula P190, gayundin ang dalagang bukid na P200 kada kilo mula P180.
Apektado rin ng mga nagdaang bagyo ang presyo ng mga gulay, partikular ang mga nagmula sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Dumoble ang presyo ng ampalaya na mula sa P120 kada kilo ay naging P240, habang ang presyo ng talong ay P150 kada kilo na ngayon mula P80.
Ang iba pang gulay na nagtaas ang presyo ay ang kamatis – P180 kada kilo mula P120; pechay – P15 kada tali mula P10; kangkong – P10 kada tali mula P5; repolyo – P90 kada kilo mula P70; sitaw – P20 kada tali mula P10; okra – P10 kada tali mula P5; kalabasa – P40 kada kilo mula P30; at cauliflower- P200 kada kilo mula P180, tumaas naman sa P140 ang kada kilo ng manok mula P130.
Comments are closed.