PRESYO NG ISDA NA KUHA SA LABAS NG BATAAN TUMAAS

ISDA

TUMAAS ang presyo ng isda na nakuha sa labas ng Bataan habang ang mga kuha sa loob ng probinsiya ay nananatili ang presyo ayon sa mga nagtitinda sa Orani public market kamakailan.

Ikinumpara ng mga nagtitinda ng isda ang kaso ng galunggong at tulingan na galing sa Malabon, Metro Manila. Tumaas ang presyo ng galunggong mula PHP160 bawat kilo hanggang  PHP180 habang ang tulingan ay tumaas ng PHP140 hanggang PHP160.

“Mataas daw ang kuha sa pakyaw ayon sa isang tindera at napansin na iilan lamang ang namimili.

Ang bangus na nanggagaling sa Bulacan ay tumaas mula PHP170 hanggang PHP180 kada kilo mula sa dating  PHP150.

Ang alimango na ga­ling sa Orani na dating bumebenta ng PHP300 kada kilo ay bumaba sa PHP200. Ang palos na huli rin sa probinsiya ay nananatiling PHP150 kada kilo.

Ang taliwas ay ang tilapia na galing sa Pampanga na nanantili sa pres­yong PHP100 kada kilo.

Ang iba pang produktong dagat na galing sa Orani tulad ng sugpo at alimango ay hindi gumagalaw ang presyo.

Nananatiling pareho pa rin sa dati ang presyo ng maliliit na sugpo sa PHP580 bawat  kilo habang ang maliit na alimango na huli sa dagat ay mula sa PHP300 hanggang PHP400 bawat  kilo.

Ang alimango na nabuhay sa fishponds at kalimitang pang-export ay nabenta ng PHP1,200 hanggang PHP1,500 bawat kilo.

“Tumataas ang ha­laga ng alimango kapag Chinese New Year pero bumabalik sa dati pagkatapos nito,” pahayag ng isang vendor.     PNA

Comments are closed.