PIHADONG tataas ang presyo ng isda sa mga pamilihan matapos maapektuhan ng fish kill ang may 354 ektarya ng Mountain Lake sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, hindi na bago sa kanila ang ganitong pangyayari lalo pa at pabago-bago ang klima.
Kinakapos umano ng oxygen ang mga isda kaya namamatay sila nang kusa.
Ani Gandam, ligtas kainin ang nasabing mga isda ngunit mas minabuti nilang ibaon na lamang ito upang makasiguro.
Sa report, tatlong barangay na may mga fish cages ang apektado ng fish kill na kinabibilangan ng Macdulong, Takunel, at Poblacion.
Siniguro naman ng alkalde na bibigyan ng tulong sa mga apektadong fish cage owners. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.