BAHAGYANG tumaas ang presyo ng ilang mga isda dahil sa hanging amihan na nararanasan sa lalawigan ng Cagayan.
Kapag lumalamig ang hangin o panahon ng amihan ay kakaunti ang nahuhuling isda ng mga mangingisda.
Ayon kay Encarnacion Risera ng Philippine Statistics Authority (PSA) Cagayan, kabilang sa mga tumaas ang presyo ay ang sugpo na mabibili ngayon sa P1,200 kada kilo mula sa dating presyo na P750 kada kilo habang ang crabs ay nasa P800 kada kilo na rin.
Habang umaabot na rin sa P800 kada kilo ang presyo ng isdang lapu-lapu habang nananatili sa P180 ang kada kilo ng bangus-Dagupan at ang galunggong ay nasa P160 kada kilo.
Sinabi ni Risera na dahil sa malamig na panahon kaya kaunti ang mga huling isda sa lalawigan na posibleng magtagal hanggang matapos ang Bagong Taon. AIMEE ANOC
Comments are closed.