PRESYO NG ITLOG TUMAAS

ITLOG-5

NAGSIMULA nang tumaas ang presyo ng itlog sa mga palengke lalo na sa Quezon City.

Sa Kamuning market, halos dalawang piso ang idinagdag sa presyo ng itlog.

Sa ngayon, ang anim na pisong itlog ay P7.25 na.

‘Yung tig-P6.50 ay naging P7.50 na. ‘Yung dating P4.50 naging P6.50 na.

Ayon sa mga nagtitinda, dahil sa mataas na demand at limitadong supply kaya nagmahal ang presyo ng itlog, bukod sa parating na Pasko at Bagong Taon, mara­ming bumili ng itlog dahil umiiwas sa virus dala ng African Swine Fever at mahal na presyo ng isda tulad ng galunggong na halos P300 na ang bawat kilo.

Samantala, dalawang piso na rin ang itinaas sa presyo ng asukal na ngayon ay nasa P50 na ang bawat kilo sa kulay puti at P44 para sa kulay brown o segunda.