PRESYO NG KAKANIN TUMAAS NA RIN

SUGAR

NAGTAAS na rin ng presyo ang ilang tindahan ng kakanin sa Lungsod ng Maynila.

Kasunod na rin ito ng pagsipa ng presyo ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng kakanin tulad ng asukal.

Nabatid na P450 na ang presyo ng kada tray ng sapin-sapin, cassava, rice cake, kutsinta at ube.

Ayon sa mga gumagawa ng kakanin, nasa P3,200 na mula sa dating P1,900 ang kada sako ng puting asukal kaya brown sugar na lamang ang ginagamit nila.

Nabawasan na rin, anila, ang nakukuha nilang orders kada araw na nasa pitong tray na lamang mula sa dating 10 pataas. DWIZ 882