AYON sa pag-aaral sa datos ng Philippines Consumer Price Index (CPI) mula 2012 hanggang 2019 at sa presyo ng Meralco para sa mga residential customer nito na kumokonsumo ng 200 kwh, lumalabas na ang presyo ng mga bilihin ay tumaas ng 20% samantalang ang presyo ng Meralco ay bumaba pa ng 10%.
Sa mga hindi nakaaalam, ang Consumer Price Index (CPI) ang ginagamit upang masukat ang pangkaraniwang presyuhan ng mga produkto at serbisyo gaya ng transportasyon, pagkain, edukasyon, at pang-medikal na pangangalaga. Kinakalkula ito base sa pagbabago sa presyo ng mga produkto at bilihin at sa paghanap ng average nito. Ang CPI ang isa sa pinakamadalas na gamitin sa pagtukoy ng panahon ng inflation at deflation.
Isang paglalarawan ang ginawa ng Power Philippines kamakailan lamang. Ipinagkukumpara nito ang CPI sa bansa noong mga nakaraang taon at ang karaniwang presyo ng Meralco para sa mga residential customer nito na kumokonsumo ng 200 kwh. Lumalabas na bagama’t tumaas ang CPI sa Filipinas ng 20%, bumaba naman ang presyo ng Meralco ng 10%.
Malinaw na kontra agos ang presyo ng Meralco sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa. Ito ay isang patunay na mayroong magandang ginagawa ang Meralco pati na rin ang ibang miyembro ng industriya ng koryente sa bansa.
Dahil dito, lalong hindi ko maintindihan kung ano ang naging basehan sa akusasyon sa Meralco na ito raw ay sumosobra ng singil sa mga konsyumer gayong mas bumaba pa nga ang presyo ng koryente nito sa lumipas na mga taon at mas naging pabor sa mga konsyumer kung ikukumpara sa CPI ng bansa. Huwag din kalimutan na mula noong July 2015 ay hindi na nagbago ang presyo ng Distribution Charge. Ito ang tanging bahagi ng ating binabayaran sa koryente na napupunta sa Meralco. Ako tuloy ay naiintriga sa kung ano ang paliwanag sa likod ng mga akusasyong ito sa Meralco gayong bumaba naman ang presyo ng koryente nitong nakaraang dekada.
Comments are closed.