NAKATAKDA na namang sumipa ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa oil industry players kamakailan.
Sa kanilang fuel forecast, sinabi ng Unioil na ang presyo ng diesel kada litro ay inaasahang tataas sa P0.30-P0.40 at ang gasolina sa P0.10.
Isa pang source ng oil industry ang nagsabi na ang presyo ng diesel ay tataas sa P0.35 hanggang P0.40 kada litro habang ang gasolina ay tataas ng P0.05 hanggang P0.10 kada litro.
Ang inaasahang adjustment sa presyo ng petrolyo ay sumasalamin sa trading ng langis sa international market.
Ipinatutupad ang fuel price adjustments ng domestic oil companies tuwing Martes kada linggo.