PRESYO NG LANGIS MULING SISIRIT NGAYONG MARTES

LANGIS-2

MULING magpapatupad simula bukas, Martes ng oil price hike dahil sa pagsirit ng imported na petrolyo dulot ng tensiyon sa Middle East.

Narito ang tinatayang dagdag-presyo: diesel,  P0.45 hanggang P0.55 kada litro; gasolina,  P0.15 hanggang P0.25 kada litro; kerosene,  P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Ayon pa sa report, maglalaro sa P0.45 hanggang P0.55 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa diesel.

Sa suma total, nasa P0.15 hanggang P0.25 naman ang itataas ng gasolina at nasa P0.10 sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang pangalawang sunod na linggo na nagkaroon ng oil price hike matapos ang ilang linggong ser-ye ng rollback.

Comments are closed.