POSIBLENG umabot sa halos 80 hanggang 100 dolyar ang presyo ng krudo kada barrel sa pandaigdigang merkado.
Paliwanag ng Department of Energy (DOE) isa sa mga rason ay ang papalapit na pagpapatupad ng economic sanctions ng United States sa energy industry ng Iran pagdating ng buwan ng Nobyembre.
Isa rin ang paghina ng produksiyon ng langis sa Valenzuela na isa sa mga malalaking oil producer at importer kasama ng bansang Iran.
Ang posibilidad na pag-abot ng halaga ng krudo sa 100 dolyar kada barrel ay mangyayari kung manalasa ang nagbabadyang bagyo sa United Sates at kung may sumiklab na digmaan.
Samantala, base sa isinagawang pagtataya ng International Energy Agency, maaari namang sa halagang 75 hanggang 80 dolyar kada barrel mapako ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.