PRESYO NG LOKAL NA BAWANG TUMAAS PA

BAWANG-2

KUNG bahagya nang napawi ang luha ng mga mamimili sa bigat sa bulsa ng presyo ng sibuyas, nagmahal naman ang lokal na bawang.

Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), bagaman may supply pa ng native na bawang ang ilang pamilihan sa Metro Manila, sumisipa naman ang presyo nito hanggang P400 kada kilo.

Kumpara ito sa P100 na kada kilo ng imported garlic na karaniwang nagmumula sa China o Taiwan.

Ipinaliwanag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na karaniwang numinipis ang supply ng bawang hanggang Pebrero dahil Marso pa ang anihan.

Gayunman, naniniwala si Sinag Chairman Rosendo So na malabong sumirit hanggang P600 o P700 ang kada kilo ng bawang gaya ng nangyari sa sibuyas, lalo’t nasa P80 hanggang P100 ang imported.

Maaari aniyang wala nang bumili ng lokal na sibuyas kung lalo pa itong magmamahal.

DWIZ 882