NANATILING matatag at walang paggalaw ang presyo ng lokal na sibuyas sa Mega Q Mart sa Quezon City.
Nasa P110 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas, habang P60 naman kada kilo ang puting sibuyas sa naturang pamilihan.
Samantala, para sa ilang seller, walang magiging problema ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na suspendihin muna ang importasyon ng sibuyas dahil mas tinatangkilik umano ng mga mamimili ang lokal na sibuyas.
Wala ring paggalaw sa presyo ng iba pang mga gulay na ibinebenta sa Mega Q Mart, kabilang ang ampalaya na nasa P90 kada kilo ang presyo; talong, P80 kada kilo; sayote, P40 kada kilo; carrots, P80 kada kilo; patatas, P95 kada kilo; repolyo, P35 kada kilo; at pechay baguio, P35 kada kilo.
Ang presyo ng okra ay matatag din sa P80 kada kilo; siragilyas, P80 kada kilo; leeks, P100 kada kilo; siling panigang, P60 kada kilo; at luya na nasa P90 kada kilo. Malaki naman ang itinaas ng presyo ng kamatis na mula P40 lang noong nakaraang linggo ay ibinebenta na ngayon sa P75 kada para sa maliliit habang P90 kada kilo sa malalaki.
PAULA ANTOLIN