PRESYO NG LPG TATAAS NG P1-P1.50

LPG

NAKATAKDANG tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng P1 hanggang P1.50, ayon sa oil industry sources.

Ayon sa report, ang pagtaas ng presyo ay dulot ng mataas na demand ng produkto ng LPG gayundin sa pagtaas ng paglilipat ng kalakal sa gitna ng geopolitical tensions sa Middle East.

Nagbanta ang Iran na magsasara ng ruta ng kanilang barko kapag hindi sila pinayagan na magbenta ng produkto ng petrolyo.

Samantala, muling nagtaas ng presyo ng commercial rice dahil walang epekto ang NFA rice  sa merkado.

Sa isang palengke sa Quezon City, halos lahat ng klase ng commercial rice ay nagtaas ng P1 kada kilo. Sinabi ng mga nagtitinda na nagtaas ang mga supplier ng halos P50 bawat sako, at ang pagtaas ay ipinasa sa mga konsyumer.

“Akala ko pagdating ng NFA bababa ang bigas. Hindi pala. Lalong tumaas,” ayon sa isang magtitingi.

Binigyang-pansin ni NFA Spokesperson Rex Estoperez na 197,000 metriko tonelada ng 250,000 MT ng NFA rice, na inangkat sa government-to-government procurement ay nasa bansa na.

Pero dahil sa masamang kondisyon ng panahon, nabinbin ang pagbababa ng mga bigas mula sa barko na nakahimpil sa piyer.

Sinabi rin ni Estoperez na kailangang mabigyan lahat ng palengke bago magkaroon ang NFA rice ng pagbigat sa presyo.

“Dapat na saturate natin ‘yung merkado. Ngayon po, nakikita natin pila-pila. May limitasyon. So definitely hindi tayo makaka-influence ng merkado,” sabi niya.

“’Pag naibaba na natin lahat itong sa government-to-government, plus ang pangalawa na private sector naman ang nag-supply, kahit paano po ‘yung ating influence sa market ay mararamdaman po,” dagdag pa niya.

Comments are closed.