PRESYO NG LPG TATAAS SIMULA OKTUBRE 1

LPG

NAGBABADYANG tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng mula P2 hanggang P2.50 kada kilo sa pagpasok ng Oktubre.

Katumbas ito ng P22 hanggang P27.50 kada 11 kilo na tangke ng LPG.

Kasabay nito, tataas din sa pagpasok ng Oktubre ang presyo ng pet­rolyo.

Sa ika-8 sunod na linggo ay magkakaroon muli ng malakihang pagtataas ng presyo ng pet­rolyo.

Narito ang tinatayang dagdag-presyo sa pet­rolyo simula Martes:

Diesel—P1.30-P1.40 kada litro; Gasolina—P0.90-P1.10 kada litro; Kerosene—P0.90-P1.10 kada litro.

Maglalaro sa P1.30 hanggang P1.40 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa diesel habang P0.90 hanggang P1.10 kada litro naman sa gasolina at kerosene.

Kung isasali sa kuwenta ang tinata­yang dagdag-presyo sa Martes, aabot na sa P4 kada litro ang iminahal ng petrolyo sa loob ng walong sunod-sunod na linggong oil price hike.