TUMAAS ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon.
Sa magkahiwalay na abiso, ang Petron at Phoenix ay may dagdag na P.50 sa kada kilo ng kanilang 11-kg. LPG cylinder.
Nagpatupad din sila ng P.30 pagtaas sa presyo ng kada litro ng AutoLPG.
Samantala, nasa P.45 per kg naman ang itinaas ng presyo ng Solane-branded LPG.
Ayon sa mga kompanya ng langis, ang adjustments ay nagpapakita sa international contract price ng LPG para ngayong buwan.
Ang dagdag-presyo para sa buwan ng Hulyo ay nasa P4.95 hanggang P5.50 para sa standard 11-kg. LPG tank. PNA
Comments are closed.