PRESYO NG MANOK, BABOY, GULAY BUMABA

palengke

BUMABA ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila,, partikular na ang manok, baboy, isda at
gulay.

Sa pag-iikot ng DWIZ sa Marikina public market, mula sa dating P160 na kada kilo ng manok, bumaba na ito sa P140 hanggang P146 kada kilo.

Nasa P260 hanggang P290 naman ang kada kilo ng baboy, habang P80 hanggang P95 ang kada kilo ng bangus pero depende pa rin ang halaga nito sa laki o sukat.

Pagdating naman sa presyo ng mga gulay, ang kada kilo ng kamatis ay nasa P15; sibuyas na ginto pa rin ang presyo ay aabot sa P160 hanggang P190 ang kada kilo; P45 naman sa kada kilo ng ampalaya; P35 ang kada kilo ng talong at luya; habang mabibili naman sa halagang P18 ang kada kilo ng sayote.

Makakabili rin ng tatlong piraso ng bawang sa halagang P20 habang P10 naman ang kada supot ng siling pula at siling pangsigang.

Ayon sa ilang mga mamimili, mas mapapagaan ang kanilang gastusin dahil mas maba-budget na nila ang kanilang kita dahil sa mababang presyo ng pangunahing bilihin sa merkado.

-DWIZ 882