SUMIRIT ang presyo ng kada kilo ng manok at baboy sa ilang pamilihan.
Sa pag-iikot ng DWIZ, nadagdagan ng P10 ang presyo ng kada kilo ng manok na nasa P190, mula sa dating P180 kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng kada kilo ng baboy sa NEPA Qmart na nasa P260 mula sa dating P240 – P250.
Habang ang liempo naman ay nasa P300 kada kilo; butu-buto, P150 – P 200 kada kilo; pata o paa ng baboy, P160 – P170 kada kilo; at ribs na nasa P235 kada kilo.
Sumirit din ang presyo ng kada kilo ng giniling na mula sa dating P260, ngayon ay nasa P280 na ang kada kilo.
DWIZ 882