PRESYO NG MANOK, BABOY TUMAAS PA

MANOK-BABOY.jpg

TUMAAS pa ang presyo ng manok at baboy, mahigit isang linggo bago ang Pasko.

Sa Kamuning market, nasa P170.00 ang kada kilo ng manok mula sa dating presyo na P140.00.

Paliwanag ng Department of Agriculture (DA), bumaba ang produksyon ng manok dahil sa pandemya.

Gayunman, sinabi ng ahensiya na sapat naman ang suplay ng frozen chicken habang patuloy rin ang pag-angkat ng manok upang hindi magkaroon ng kakulangan sa suplay lalo na’t papalapit na ang Pasko.

Samantala, ang presyo ng baboy (kasim) na dating P280.00 kada kilo ay mabibili na sa halagang P310.00.

Sumipa naman ang presyo ng siling labuyo sa P850.00 kada kilo mula sa dating presyo na P450.00, ha-bang ang bell pepper ay mabibili na ng P300.00 mula sa dating P200.00 kada kilo.

Ang presyo naman ng hamon ay nadagdagan ng P45.00 kada kilo. DWIZ 882

Comments are closed.