MAGBABALIK na sa normal ang retail prices ng manok dahil sa pagtaas ng demand para sa karneng baboy, ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So.
Umabot ang presyo ng karneng manok sa P190 bawat kilo matapos ang outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa bansa at nagtaas ang demand ng manok.
“‘Yung karneng manok more or less nag-stable naman ang presyo. Medyo ‘yung demand ng baboy ay bumalik na, so sa tingin naman natin mag-normalize din ang presyo ng manok,” sabi ni So sa isang panayam.
Siniguro niya sa mga konsyumer na sapat ang supply ng karneng baboy.
“Marami tayong supply ng baboy, walang problema. Gaya ng sinabi natin, 110% pa rin tayo sa sufficiency up to January, February. Wala tayong problema du’n sa inventory natin sa baboy,” ani So.
“Ang Bulacan area, ang area ng Pampanga, itong Tarlac area, more or less, ang presyo nasa ano iyan P90 to P100, ang lightweight. So dapat ang written price diyan sa Maynila dapat nasa P180 to P200,” dagdag niya.
Pinayuhan niya ang mga konsyumer na bumili ng sertipikadong produkto ng baboy.
Sa kabilang banda, ang presyo ng galunggong ay puwedeng magkakaiba depende sa lugar. Sinabi ni So na ang presyo ng isda ay babalik na rin sa normal depende sa kondisyon ng panahon.
“’Yung galunggong kasi… depende sa places. Dun sa kagaya ng La Union, medyo mababa doon kasi ‘yung mga local fisherman kumukuha doon sa area. Doon, hindi ganoon katas, nasa P170 hanggang P180,” sabi niya.
“Hindi kagaya sa Manila, umabot yata sa P200 plus. Pero sa tingin naman natin … kung medyo maganda naman ‘yung weather mag-normal naman ‘yung presyo,” dagdag ni So.
Comments are closed.