PRESYO NG MANOK ‘DI DAPAT TUMAAS

MANOK

WALANG dahilan para tumaas ang presyo ng manok sa pamilihan.

Reaksiyon ito ng United Broilers Raisers Association sa pina­ngangambahang epekto ng tagtuyot sa mga manok.

Ayon kay Atty. Bong Inciong, pangulo ng grupo, mas kaya ng mga manok ang hot and dry season kaysa sa hot and wet na karaniwang pumapasok kapag Hunyo.

Maliban dito, record high rin aniya ang imbentaryo ng manok sa bansa ngayong taon na pumapalo sa mahigit limampung (50) milyong kilo kumpara sa labing apat (14) na kilo lamang noong nakaraang taon.

Labing walong (18) kilo lamang aniya dito ang lokal samantalang mahigit sa tatlumpung (30) milyong kilo ang imported na frozen chicken.

Gayunman, aminado si Inciong na malikot ang farm gate ngayon ng manok na naglalaro aniya mula 73 hanggang 95 pesos per kilo.

Comments are closed.